Municipal most wanted person ng Libon, Albay at miyembro ng conception criminal gang arestado; 6 pang suspek, pinaghahanap dahil sa 3 bilang ng kasong kidnapping at ilegal detention

LEGAZPI CITY – Nahuli na ng Libon MPS ang tinaguriang rank no.8 municipal most wanted person at miyembro ng conception criminal gang sa Zone 1, Brgy. Buga, Libon, Albay.

Kinilala ang akusado na si alyas “Edwin” 54 anyos, mangingisda at residente ng nasabing barangay.

Naaresto ang akusado sa pamamagitan ng warrant of arrest na isinilbi ng pinagsamang-pwersa ng nasabing himpilan ng pulisya at iba pang mga yunit, kung saan pirmado noong Hunyo 6, 2022 dahil sa tatlong bilang ng kasong kidnapping at ilegal detention.

Wala ring ibinigay ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ayon naman kay Police Executive Master Sergeant Maribeth Corporal, tagapagsalita ng Libon MPS, taong 2019 nang mangyari ang kidnapping sa isang pribadong negosyante sa Brgy. Molosbolos sa naturang bayan.

Dahil dito, sinampahan ito ng nasabing mga kaso kasama ang 11 pang mga suspek.

Dagdag pa rito, lima rito ay naaresto na ng pulisya habang anim pa ang hinahanap pa ng mga otoridad.

Sa ngayon ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *