Municipal Quarantine Pass handang ipamahagi sa 27 barangay ng Lebak

Lebak, Sultan Kudarat. HANDANG-HANDA na ipamahagi ng Lokal na pamahalaan ang Municipal Quarantine Pass sa 27 barangay sa bayan ng Lebak.

Ito’y kasunod sa lumalalang bilang ng nagpositibo kung kaya’t pinulong ni Lebak Mayor Frederick Celestial ang 27 punong-barangays upang bigyan ng panuntunan o gabay kaugnay sa municipal quarantine pass. Dito nakasaad ang pangalan, control no. maging ang piling oras ng gagamit.

Ayon kay IATF Spokesperson MJ Jumawan tanging bibili ng essentials ang bibigyan at iisang indibidwal sa kada household lang ang makakagamit kaya ayon sa kanya dapat malusog ang pangangatawan maliban sa mariing ipinagbabawal sa edad 18 anyos pababa, 65 taong gulang pataas na merong immunodeficiency, comorbidity at mga buntis base sa umiiral na Executive Order no.17 ng Probinsya ng Sultan Kudarat.

Bukod diyan di rin maaaring ilipat sa iba ang nasabing quarantine pass, kailangang laminated at ingatang hindi mawala dahil subject para kumuha ng affidavit of loss. Hayaan din ang bawat indibidwal na pipili sa oras kung kailan siya lalabas batay sa isinumeteng data sa kanyang kukuning quarantine pass.

Layon ng nabanggit na quarantine pass para limitahang lumabas na wala aniyang essential transaction bunsod yan sa tumataas na bilang ng nagpositibo sa Covid-19.

Hiling ni Jumawan sa bawat isa na makiisa sa pagpuksa kontra Covid-19 dahil pagod na masyado ang ating health workers para bantayan tayo isa-isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.