Local News

Municipal tourism and cultural heritage office, nagsagawa ng culinary activity tungkol sa pinangat processing sa pagdiriwang ng National Arts Month

LEGAZPI CITY – Aabot sa 50 mga mag aaral ang lumahok mula sa bayan ng Camalig, Albay ng  culinary activity tungkol sa Pinangat-processing ng Municipal Tourism & Cultural Heritage Office (MTCHO) para sa pagdiriwang ng National Arts Month.

Ayon sa nasabing opisina, ito ay alinsunod sa programang “Isang Bayan, Isang Produkto” na naglalayong bigyan ang mga mag-aaral ng mahahalagang kaalaman sa Pinangat-processing, mula sa paglalagay at paghahalo ng mga sangkap, pagtitiklop at pagbubuklod, hanggang sa aktwal na pagtatanghal.

Dahil dito, matututo na ngayong gumawa ng Pinangat ang mga mag-aaral sa Technology and Livelihood Education (TLE) mula sa ilang mga paaralan kabilang ang Camalig National High School (NHS), Cotmon NHS, Caguiba NHS, Bariw NHS, at Dominical School at iba pa.

Binibigyang-diin dito ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga kabataan lalo na sa pagpapalusog ng kultura na nakabatay sa mga gawi na may layuning mapaunlad ang mga ito.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

5 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

5 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

5 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

5 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

5 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

5 hours ago