Inaanyayahan ng Municipal Tourism Office ng San Narciso, Zambales ang mga turista na bisitahin ang San Sebastian Church ngayong papalapit na ang Semana Santa.
Ang lugar umano ay isa sa pinakamatandang simbahan sa lalawigan ng Zambales.
Ang San Sebastian Parish umano ay itinatag ng mga Paring Kastila noong May 12,1849 sa Barangay Alusiis, San Narciso na tinawag noon na Magnifica Yglesia.
Ang simbahan ang may pinakamarami umanong antigong religious artifacts kabilang dito ang century bells na kinabibilangan ng isang maliit na kampanilya at dalawang malalaking kampana na nagmula pa sa Espanya.//Russell Banawa-BNFM IBA
