Mura, dekalidad na mga produkto, tampok sa Kadiwa ng Pasko sa So.Cot

KORONADAL CITY- PINANGUNAHAN ni Presidente Ferdinand Bongbong Marcos Jr ang nationwide launching ng Kadiwa ng Pasko project sa iba’t ibang mga lungsod at probinsya sa bansa noong Miyerkules.

Sa South Cotabato, ito ay isinagawa sa Rizal Park ng Koronadal City sa pangunguna ng Department of Agriculture, provincial government ng South Cotabato at city government ng Koronadal, katuwang ang Department of Trade and Industry, Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment, at Department of the Interior and Local Government.

Inihayag ni Pangulong Marcos na sa Kadiwa ng Pasko, makakabili ang mga consumers ng mura ngunit dekalidad na mga produkto sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na sa darating na Christmas season.

Layon din nito na matulungan ang mga local farmers at mga micro, small and medium enterprises (MSME) na maibenta ang kanilang mga produkto.

Ilan lamang sa mga mabibili dito ay ang mga organic at sariwang mga gulay at prutas, bigas, kape, handicrafts, processed food products at marami pang iba.

Ang susunod na Kadiwa ng Pasko sa Rizal Park ay itinakda sa November 30, December 15 at December 30.

Samantala, kasabay ng launching program, namahagi naman ng ayuda sa mga natukoy na benepsiyaryo ang DOLE 12 para sa livelihood starter kits, DSWD para sa Sustainable Livelihood Program (SLP) at Livehood Assistance Grant (LAG) at DTI para sa Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa o PPG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *