Musician, patay sa aksidente sa Naga City

NAGA CITY- Patay ang isang musician sa aksidente sa Naga City.

Sa ulat ng Naga City Police Office nangyari ito bansang alas 3:10 ng madaling araw nitong Sabado , Marso 18, 2023 sa Carnation Street, Naga City Subdivision, Triangulo.

Binabaybay ng biktimang si  Jason Vicente San Vicente y Badiong, 42-anyos ng Brgy. Peñafrancia, Naga City ang naturang daan sakay ng kaniyang motorsiklo nang hindi napansin ang road hump. Naging dahilan ito upang mawalan siya ng kontrol sa motorsiklo at nabangga ang nakaparadang sasakyan.

Dinala sa ospital ang biktima pero dahil sa tinamong tama hindi ito nakaligtas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *