Mutya ng Pilipinas – Bicol Official Representatives napili na

NAGA CITY –Napili na ang limang official representatives ng Mutya ng Pilipinas-Bicol na sasabak sa National Pageant.

Pasok ang Miss Bicolandia 2022 2nd Runner Up Jeanette Reyes, Mutya ng Pilipinas – Camarines Sur;  Jessica Holz, Mutya ng Pilipinas – Catanduanes; Jaya Jarabejo, Mutya ng Pilipinas – Sorsogon; Jana Eloisa Lanuzga, Mutya ng Pilipinas Albay at si Janine Ahmad, Mutya ng Pilipinas Camarines Norte.

Sa Press Presentation, send-off dinner and official sashing sinabi ni Eloisa Martinez Badong, isa sa mga organizers, maituturing na itong tagumpay dahil sa napakaraming gustong sumali, at umani ng sumuporta.

Maging training sa limang kandidata ay pinaghandaan at inihahanda nila sa lahat ng aspeto lalo na layunin ng kauna-unahang pagsabak sa Mutya ng Pilipinas bukod sa nais ipagmalaki ang ganda ng mga probinsya sa Bicol, Oportunidad din ito para mas makilala ang ganda ng mga Bicolana.

Hangad niBadong at Naidez Tria Valencia, mga organizer,  na suportahan pa lalo ang mga kandidata at ang Mutya ng Pilipinas – Bicol.

Sa November 21, ipapadala na sa Metro Manila ang apat pang kandidata, nauna na kasi roon ang Mutya ng Pilipinas Camarines Norte dahil sa personal na lakad nito.

Magaganap naman sa December 4, 2022, ang Coronation Night.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *