Aabot sa 130k na 4Ps members sa Bicol, nabakunahan na kontra Covid-19

LEGAZPI CITY – Suportado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang ninanais ng Department of Health (DOH) na dapat mabakunahan na ang mga myembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program upang mabigyan ng proteksyon laban sa covid 19.

Ayon kay Ayon kay Prescilla Saladaga, Division Chief Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD Bicol, hinihikayat na ang mga myembro ng 4ps benepisyaries na magpabakuna na upang maiwasan na magkahawaan, magkasakit o masawi sa covid 19.

Base rin sa datus nang kanilang ginagawang manual tracking na kinukuha pa sa system ng DOH ay umaabot pa lang sa 48 hanggang 50% o 130K sa buong Rehiyon ang nabakunahan na 4ps. Pinakamaraming nabakunahan na 4ps ay lalawigan ng Catanduanes na mayroong 68%.

Sinundan ito ng Sorsogon na mahigit 56%, Albay at Masbate tig 50% Camarines Norte 42% habang Camarines Sur 40% ang nababakunahan na.

Humigit kumulang sa 380K ang myembro ngayon ng 4ps sa buong Bicol Region.

Inaasahan rin ng opisyal, na madadagdagan pa ang bilang sa mga susunod na mga araw ang mababakunahan dahil sa may mga pang ilan ilan na rin ang nais magbakanu na na myembro.

Leave a Reply

Your email address will not be published.