N. Korea kinumpirmang wala nang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa

Kinumpirma ng North Korea na recovered na ang lahat ng mga mamamayan nitong may lagnat matapos ang outbreak ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Bagamat hindi kinumpirma ng North Korea kung ilan talaga ang mga nagkasakit sa kanilang bansa, sinasabi naman sa report na tinatayang 4.77 million na fever patients ang fully recovered habang nasa 74 ang sinasabing patay simula noong Abril.

Ayon sa North Korea, nakapasok na sa panahon ng stability ang anti-epidemic situation ng kanilang bansa.

Sa kabila nito, tiniyak ng North Korea na dodoblehin nila ang kanilang pagsisikap para mapanatili ang tagumpay sa pagsasakatuparan ng state anti-epidemic policies at iba pang hakbang para mapalakas pa ang anti-epidemic system.

Kabilang dito ang mas pinalakas na monitoring sa mga bagong COVID-19 sub-variants at iba pang hakbang para mas mabilis ang mobility ng kanilang medical workers sa mga panahon ng krisis.

Leave a Reply

Your email address will not be published.