Na-detect na Omicron subvariant XBB.1.5, hindi magpapataas sa mga kaso ng COVID-19 – Solante

Naniniwala si infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na ang bagong pagkaka-detect sa Omicron subvariant XBB.1.5 ay maaring hindi magdulot ng pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Paliwanag  ni Solante, na nagsilbi bilang vice president ng Philippine College of Physicians (PCP), na ang population immunity ng mga Pilipino ay maaring paring mataas matapos na mabakunahan o matapos mahawa ng COVID-19 noong mga nakaraan.

Sa kabila nito, sinabi ng naturang eksperto na ang XBB.1.5 ay maaring maging dominant variant sa bansa at malampasan ang BA.5 at BA.2 dahil sa mataas na transmissibility nito. Dahil dito, nagpaalala si Solante sa publiko na manatiling cautious dahil ang vulnerable population ang maaring maapektuhan mula sa severe o critical infections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *