Naagnas na bangkay  nadiskobre sa Naga City

NAGA CITY- Napakabahong amoy ang hindi natiis ng isang pedicab driver bandang alas- tres ng hapon sa Naga City daan upang magpaabot ito ng impormasyon sa mga otoridad ng Police Station 3.

Sa pagpunta ng mga otoridad , tumingin na rin ang mga residente at buo ang paniniwalang bangkay ng tao ang nangangamoy.

Naging pahirapan ang pagpasok ng mga otoridad sa may abandonadong bahay, matataas ang bakod sa pribadong lote, damuhan at matataas ang puno.  Nang makapasok na,  doon na nakita ang nakabalot na naaagnas nang bangkay.

Nagsiiyakan na ang kaanak ng 17-anyos na senior high school student na nitong weekend pa nawawala. Bilang pag respeto hindi pa nakapagtanong ng maigi ang mga miyembro ng media dahil sa emoyosyon ng mga ito.

Sinabi ni PSMS Toby Bongon, hindi makilala ang bangkay, hindi rin mabatid kung ano nga ba ang kulay ng damit, kahit na ang kasarian hindi kaagad natukoy. Kahapon hindi kinumpirma ng pamilya kung ito ang hinahanap na dalagita.

Ayon pa sa PNP malaki ang posibilidad na ito na nga ang ilang araw nang nawawala, pero ayon kay Bongon, ang resulta ng pagsusuri at ang pamilya ang makakapag kumpirma nito. Kagabi sinabi ni Bongon na maaaring batid na ng pamilya ang resulta pero wala pang kompirmasyon.

Sinabi pa ng NCPO spokesperson na may nakuhang payong at plastic na may nakapangalan ng isang convenience store.

Mababatid na ang  Senior High School Student sa Naga City  na si Roselle ay huling nakita nitong Hulyo 22  ng gabi sa crossing ng Penafrancia- Magsaysay malapit sa Acacia Street. Base pa sa kinuha ng CCTV , alas 8:40 ng gabi naglalakad ito papunta sa isang convenience store at makalipas ang 10-minuto pauwi na ang dalagita sa Acacia , Litoton. Naka puting TShirt, naka itim ma jogging pants, naka tsinelas at may dalang payong subalit hindi ito nakarating sa kanilang bahay. Ang lote kung saan nakita ang naagnas na bangkay ay malapit lamang sa tahanan nito.

May persons of interest nang tinitinggan ang pulisya. Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *