Nabakunahan kontra Covid-19 sa SOCCSKSARGEN, halos 130,000 na

KORONADAL CITY — HALOS 130,000 na ang bilang nga mga taong nabakunahan laban sa Coronavirus disease o Covid-19 vaccine sa buong SOCCSKSARGEN Region. Ayon sa datus na inilabas ng Department of Health o DOH-12, umaabot na sa 129, 940 ang bilang ng mga nabakunahan.

Sa nasabing bilang, 63, 559 ang naka-kompleto na ng kanilang Covid-19 vaccination o nakatanggap ng dalawang dose. Sa kabuuang bilang, 57, 028 ang mga frontline medical workers; 49, 777 ang mga senior citizens; 23, 100 ang mga persons with comorbidities at 35 ang mga essential workers.

Cotabato province naman ang nakatanggap ng pinakamaraming alokasyon ng bakuna na umaabot sa 31,964 na sinusundan ng South Cotabato na may 21, 714; Sultan Kudarat na may 31, 687; Sarangani na may 11, 140; General Santos City na may 21, 614 at Cotabato City na may 11, 920.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *