Nabakunahan sa Albay ng Covid-19 vaccines pumalo na sa 96k-PHO

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahigit 96K ang nababakunahan na sa lalawigan ng Albay  mula sa A1 hanggang A4 priority group. Base sa tala ng Provincial Health Office (PHO) aabot na sa 96, 047 ang kabuuhang bilang nabakunahan sa lalawigan habang 32, 037 ang naturukan ng second dose.

Ayon pa dito aabot na rin sa 24, 682 ang nabakunahan sa 1st doze at 16, 711 ang naturukan ng second dose sa A1 priority group.

Sa A2 – 40, 837 sa 1st dose habang 7, 577 sa second dose, A3 – 22, 128 1st dose habang 2nd dose 6, 685 at ang A4 sa unang dose ay mayroong 7, 858 at second dose 925.

Sa pakikipagpanayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Ryan Altavano, ang supervising administrative officer ng Provincial Health Office, sinabi nito kung titingnan ang turn out ng vaccination na ginagawa ng Provincial Government sa Albay Astrodome ay marami na ang nagnanais magpabakuna.

Ayon pa kay Altavano, marami na rin ang nagpupumilit na mabakunahan na rin ang ibang munisipyo dahil dito ay binibigyan pagkakataon na iprayoridad  na rin na mabakunahan ang ibang mga bayan.

Dahil sa inisyatibo na ginawa ng Pamahalaang Panlalawigan ay marami ang nagpapasalamat sa kay Gobernador Al Francis Bichara dahil sa pinaprayoridad na mabakunahan ang mga ito.

Aabot sa mahigit sa 800k ang total population na dapat mabakunahan sa lalawigan.

Sinabi rin nito kailangan maabot ang 70% total population sa Albay na mabakunahan upang maabot ang herd immunity ngunit sa ngayon ay nasa 11% pa lang ang nabakunahan na sa nasabing lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.