Magkakaroon ng Regional Center ang National Authority for Child Care (NACC) sa lalawigan ng Sorsogon.
Ito ang naging resulta ng pagpupulong nina Under Secretary Janella Ejercito Estrada, Executive Director ng NACC at Governor Boboy Hamor sa pagbisita ng Kalihim sa lalawigan.
Ang NACC ay bagong tatag na ahensya sa ilalim ng DSWD na siyang nangunguna sa adaptation at alternative child care.
Ayon pa kay Estrada, sa ngayon ay mayroon nang apat na foster care o bahay ampunan sa lalawigan ang kanilang magiging katuwang para sa mga kabataan na naghahanap ng foster families bago sila makahanap ng permanenteng pamilya.
Magbibigay rin ng subsidy ang NACC na aabot sa P8K sa mga foster children at P10K naman kapag may special needs and foster children.
