Nag-order, nainip- nagreklamo sa matagal na delivery ng parcel

Umaaray na ang ilang Palaweño dahil sa matagal nang hindi dumadating na order via online.

Ayon sa ilang mga reseller sa Roxas at San Vicente Palawan, natambay na umano ang kanilang mga in-order sa Branch ng J&T Express sa Roxas at hindi pa ito nade-deliver na matapos ang isang buwan.

Kaugnay nito ay nagpaliwanag ang J&T express Roxas Palawan Branch  sa kanilang mga costumer tungkol rito.

Agad na nakipag ugnayan ang Brigada News FM sa tanggapan ng J&T Express sa Roxas Branch, at ayon sa kanila ay kakulangan sa tao ang dahilan kung bakit natatagalan ang pagha-hatid ng mga parcel.

Maliban dito problema din nila ng mga delivery rider  ang pagkarga ng malalaking item.

Dagdag pa nito na sobrang dami kasi ng mga parcel na dumarating sa kanila araw araw at natatambakan na umano ang iba rito.

Samantala, humihingi ng pang-unawa ang courier company sa kinakaharap na isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published.