Naga City at Camarines Sur niyanig ng 4.3 magnitude na lindol

NAGA CITY- Sa papalalim na gabi, niyanig ng malakas na lindol ang Naga at Camarines Sur.

Nagbagsakan ang mga gamit sa bahay, mga nakasabit na frames sa mga business establishments pati mga paninda sa ilang department stores, nabasag at nasira rin ang pinto ng isang kilalang convenience store sa Naga City.

Sa Magsaysay Avenue, kita ang paglabasan ng mga residente ng Barangay Balatas, tumungo sila sa open area habang lumilindol bandang alas 10:08 kagabi.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, 4.2 magnitude na lindol ang tumama, epicenter ang kanluran ng  Canaman , Camarines Sur, kalaunan itinaas ito sa Magnitude 4.3.

Naitala ng kanilang gamit ang Intensity  VI  sa Pili parehong lalawigan,  Intensity V – Sipocot,  Intensity III – Iriga City,  Intensity II – Legazpi City, Albay at Intensity I – Mercedes, Camarines Norte.

Kwento ng ilang mga taga Camarines Sur tulad ng residente sa Bula, parang may bumanggang truck sa kanilang  bahay. Ramdam din sa Nabua, Minalabac, Pamplona, Libmanan,Sipocot, Pasacao Tigaon at iba pa.

Maraming nakahiga na nang mga oras na iyun kaya agad na naramdaman ang lindol. Ang ilan naman ay nanonood pa ng TV at kaagad na isinara dahil sa nerbyos.

Pero payo ng mga nasa PHIVOLCS at Disaster Management maging kalmado at mag duck,cover and hold.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *