Naga City at Camarines Sur sanib pwersa na sa One Hospital Command system

NAGA CITY- Nagkaroon ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng Naga partikular na ang Health Emergency Response Task Force at counterpart sa Provincial Government ng Camarines Sur para sa  One Hospital Command System.

Mababatid na marami sa mga may malalang kaso  ng COVID-19 mula sa Camarines Sur ay dinadala sa Bicol Medical Center na nasa Naga City.Ayon kay Che Bermeo ng PDRRMC,  CamSur ang mamahala sa command system.

Matatandaan na ang Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) ay mayroong One Hospital Command System kung saan maaring tumawag kapag ang pasyente na nagpositibo sa COVID-19 ay nakakaranas ng malalang sintomas at nangangailangang ma-admit sa ospital.

73 na ang nasawi sa Naga habang 182 naman ang COVID- fatalities sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *