Naga City Government, target makatipid ng ₱50 milyong halaga sa kuryente at fuel ngayong 2023

NAGA CITY – Target ng Lokal na Pamahalaan ng Naga na mabawasan at makatipid ng 10% o katumbas ng ₱50 milyong halaga na konsumo sa kuryente at fuel ngayong taong 2023.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay City Councilor, Oying Rosales, Chairman of Committee on Environment and Energy.

Umabot kasi ng 150 milyong piso ang naging konsumo noong 2022 sa kuryente at fuel kung saan nakakapanghinayang, ang target na 50 milyong ma-ititipid malaking bagay para sa ibang proyekto ng pamahalaan.

Katunayan ang Energy Efficiency Conservation Ordinance aprubado na at nasa proseso na ng implementasyon kung saan isa ang paglimita sa paggamit ng air conditioner sa mga pasilidad na istriktong ipapatupad, kung dati walang limit sa paggamit at dapat nakaset na sa 24 hanggang 25 °C ang temperatura ng aircon, sa ganitong paraan aniya mababa ang nagegenerate na kosumo sa kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *