Naga City Government tumatanggap na ng mga posibleng maging benipisyaryo  4PH; amenities magdedepende sa monthly amortization 

NAGA CITY –Noon pang isang linggo ay nagsimula ng tumanggap ang City Government ng  mga posibleng maging benipisyaryo ng Pambansang Pabahay sa Pilipino Housing Program o 4PH ng kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod pa nito ay hangad na rin ni City Mayor Nelson Legacion na magkaroon na rin Home Owners Association, subalit bago nito ay kailangan na ma-pre qualify muna ang lahat ng mga aplikante.

Ito ang ipinaliwanag ni Legacion sa kanyang pagharap sa media at sa Brigada News FM Naga sa ginagawa nilang proseso ngayon para sa prohektong ito ni Marcos Jr.

Ayon sa alkalde, pagdating naman sa amenities, magdedepende rin sa monthly amortization na babayaran ng mga aplikante na mula sa P3,000 piso hanggang sa P6,000.

Isa sa qualifications ay dapat iyong mag- a avail nito ay miyembro ng PAGIBIG Program na ayon sa alkalde ay siyang magbibigay ng final na desisyon kung qualified ba an aplikante o hindi.

Una na rin nabanggit ni Legacion na ang puwedeng maging benipisyaryo nito ay mga empleyado sa pribado o maging sa gobyerno o kaya sinumang individual na may kakayahang bumayad.        

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *