Naga City Hygiene Clinic hinahanap na rin ang naging partner ng mga pasyente nilang may HIV AIDS; Kaso sa lungsod patuloy na tumataas

NAGA CITY – Hinahanap na rin ngayon ng Naga City Hygiene Clinic ang mga naging partner ng mga pasyente nilang may HIV AIDS para isailalim ang mga ito sa medical examination ng matiyak ang kalusugan nila.

Baka raw kasi nahawaan na ang mga ito at posibleng makahawa pa sa iba, kung hindi agad magagamot.

Ang pakikipag sex sa taong may HIVAIDS  lalo na kung walang proteksyong ginagamit ay isa sa pangunahing dahilan para maging carrier na rin ito ng naturang impeksyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Grace Guevarra, Chief ng Hygiene clinic dito sa Naga City, sinabi nito na may mahigit 30 ang pasyente nila ngayon, base sa kanilang talaan mula pa sa buwan ng Enero at hanggang ngayong Setyembre.

Pagpupunto pa nanganganib ang kalusugan ng mga ito kung hindi agad maagapan, sabi pa ni Guevarra, lalo na iyong mga matatanda na at mahihina na ang katawan.

Laging binabanggit ni Guevarra, na ang datus na hawak nila ay bukod pa sa hawak na datus ng iba pang mga pribadong klinika, kaya posibleng higit pa ang bilang ng mga ito kaya nasabi niyang tuloy parin ang pagdami ng mga infected ng HIVAIDS. Ang iba namang pasyente ay mga residente sa Camarines Sur sa Naga lamang nairerecord dahil sa lungsod nagpapacheck up.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *