Naga City Hygiene Clinic nakapagtala na ng mahigit 100 HIV cases

NAGA CITY  – Nasa mahigit 100 ng individual ang naitatalang may Human Immunodeficiency Virus (HIV) ng Naga City Hygiene Clinic, mula Enero hanggang ngayong Nobyembre kasalukuyang taon.

Napakataas nito kung ihahambing noong nakaraang taon 2021, ayon kay Grace Guevarra, ang chief ng nasabing clinic.

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi nitong bunga ito ng kanilang kampanya sa laban sa Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) Awareness Program, kaya marami ang nagpapa-test na nagre resulta sa pagiging positibo.

Muli, inulit niya ang mga ito ay hindi naman lahat mga taga Naga City, nagkataon lang na sa facility nila nagpapa check at sa Bicol Medical Center ang treatment.

Kaugnay nito pumapangalawa naman ang syphilis na marami din sa lungsod.

Ang syphilis ay isa ring sexually transmitted infection na hindi lang lalaki ang meron kundi maging ang mga babae. Delikado rin ito at nakakahawa, sabi pa ni Guevarra.          

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *