Naga City Hygiene Clinic nakapagtala ng 48 kaso ng HIV/AIDS sa kabuuang taon ng 2021

NAGA CITY – Nasa kalahating buwan pa lamang ng Enero, subalit may na itala ng bagong nag positibo naman sa Human Immunodeficiency Virus Infection and Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV/AIDS)  HIV/AIDS ang City Hygiene Clinic, ayon ito kay Grace Guevarra, ang head ng klinika.

Batay sa kanya, magsisimula na naman silang magbilang ng mga nagpopositibo sa impeksyon na ito sa pagpasok ng bagong taon. Sinabi pa sa Brigada News FM Naga na hindi sila nawalan ng mga kliyente , dahil araw-araw  ay may mga nagpapa test sa kanilang mga individual. Anya’y may mga resulta silang hinihintay.

Nabanggit niya na sa katatapos pa lamang na taong 2021, nakapag record ang klinika nila ng 48 na mga HIV/AIDS positive na kung saan noong December ay may nakahabol pang mga nagka impkesyon at apat sa mga ito ay galing sa labas ng Naga City o sa ibang bayan ng Camarines Sur.

Muli nilinaw niya na tinatanggap nila ang ibang mag HIV/AIDS patients dahil dito ang mga ito nagpapagamot, matapos na i-refer ito sa kanila ng ibang klinika.

Abala man ang lahat sa paglaban sa COVID-19, hindi nagpapabaya ang City Hygiene Clinic sa mga kampanya at aksyon upang maiwasan ang kondisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *