Naga City, isasailalim sa MECG simula bukas

NAGA CITY- Isasailalim sa Modifie Enhanced Community Quarantine ang Naga City simula bukas Hunyo 16, 2021 hanggang sa ika-30 ng kasalukuyang buwan.Ito ang bagong Community Quarantine Classification na inilabas ng National Inter-agency Task Force. 351 ang aktibong kaso ngayon.

Magpupulong ang Health Emergency Response Task Force ukol dito. Una nang sinabi ng DOH Bicol na Moderate hanggang High Risk ang classification ng lungsod sa COVID-cases nitong mga nagdaang Linggo.

Ito ay ayon kay Dr Aurora Teresa Daluro, Chief Regional Epidemiologist ng Bicol. General Community Quarantine protocols ang dapat na ipinatutupad sa Moderate Risk at Modified Enhanced Community Quarantine kapag High Risk.

Kung titinggan ang record noong nagdaang araw nakapagtala ang Naga ng 31, 45, 23, 35 at kahapon 30 cases. Dapat aniyang maipatupad ang mga stratihiya upang mapababa ang kaso.

Samantala, ipinayo ni Dr. Ma. Theresa Galvan, Assistant Administrator-Designate ng Bicol Medical Center – Department of Psychiatry na pangalagaan din ang mental health ng mga COVID- positive pati mga naka quarantine.Kailangan aniya may nakakausap gamit ang modernong teknolohiya, upang kahit papaano ay maging magaan ang pakiramdam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *