NAGA CITY – Ki-nall out ng isang Konsehal sa Naga City, ang atensyon ng mga Radio Station sa lungsod na paigtingin pa rin ang seguridad at maging maingat, kaugnay sa pamamaslang-patay sa isang radio broadcaster sa Calamba, Misamis Occidental.

NAGA CITY – Ki-nall out ng isang Konsehal sa Naga City, ang atensyon ng mga Radio Station sa lungsod na paigtingin pa rin ang seguridad at maging maingat, kaugnay sa pamamaslang-patay sa isang radio broadcaster sa Calamba, Misamis Occidental.

Sa panayam kay City Councilor at Retired General, dating Regional Director ng PNP Bicol, Omar Buenafe, Committee Chairman on Peace and Order sa lungsod, bagamat isa sa mga obligasyon ng PNP, ang protektahan ang mga mamamahayag pagdating media security, kasama ang komunidad, malaki pa rin ang parte ng bawat individwal na ingatan ang kanyang sarili.

May mga hightech security system na rin naman, at kung kinakailangan kapkapan bago papasukin sa mga istasyon gawin lalo na karamihan ng mga radio station sa lungsod ay walang mahigpit na seguridad.

Ayon pa sa opisyal, napakabold ang ginawang pagpatay dahil sa live broadcast at istasyon mismo binaril ang biktimang mas kilala bilang si β€œJohnny Walker” nitong Nobyembre 5, Linggo ng umaga, kung saan maaaring may kinalaman sa kanyang trabaho o may mas malalim pang dahilan.

Kaya dagdag pa ng opisyal na kung sakali man na may mga pagbabantang nangyayari sa buhay isa ka mang mamamahayag o hindi ipagbigay alam lamang upang kaagad na makagawa ng paaran para sa mas matibay na seguridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *