Naga City, nagdagdag ng augmentation personnel sa border control point; 25 COVID- positive cases naitala sa border

NAGA CITY-Nagdagdag pa ng forward control point ang Naga City sa border ng Del Gallego Camarines Sur- Tagkawayan, Quezon.

Maliban sa Team A at Team B mula sa Public Safety Office , City Distaster Risk Reduction and Management (CDRRM) , City Health Office at PNP mayroon nang ipinadalang kinatawan ang ilang mga opisina na silang bumubuo sa Team C.

Inihayag ni PSO Executive Director Renne Gumba na kailangan ito dahil maliban sa pagod ng mga personaheng silang sumasala sa mga papasok sa Naga , kailangan mag quarantine ng 14-days ang mga duty bago magpalit.

Samantala napag-alaman pa na makalipas ang halos dalawang buwan 25 na ang COVID- early detected sa Del Gallego Border Control Point.

Malaking bagay ang antigen testing sa border para maisolate kaagad ang mga virus carrier at hindi na mahawaan ang marami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *