Naga City nasa Moderate Risk na sa COVID; Weekend Lockdown pormal nang binawi

NAGA CITY- Naibaba na sa Moderate mula sa High Risk COVID Classification ang Naga City. Ito ang kinumpirma ni Mayor Nelson Legacion kasabay ng pormal naring pagbawi sa Weekend Lockdown.

Ibig sabihin Biyernes ng alas-9 ng gabi hanggang alas-4 Lunes ng umaga iiral parin ang Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ  sa 27 Barangays. Bawal parin lumabas ang 17-anyos pababa dahil equivalent ito sa Alert Level 4. Pumapalo sa mahigit isang libo ang aktibong kaso ng nasabing sakit.

Subalit sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLtCol. Errol Garchitorena , Deputy City Director For Operations at Head ng Health Emergency Response Task Force Security Cluster o HERTF, hindi rito kasama ang mga nasa Granular Lockdown, kailangan pa ring matapos ang 14-araw.

Hati ang opinyon ng publiko dahil baka umano tumaas muli ang kaso. Bunsod nito, tiniyak ni Garchitorena na hindi mapapatid ang pagpatupad ng protocols lalo pa sa border point at sa mga Barangay.

Samantala , bukas na ang mga simbahan. 20% ng capacity lamang ang tatanggapin at limitado lamang ito para sa mga bakunado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *