Naga City, pinuri sa pagiging progresibo

NAGA CITY –Nakarinig ng papuri ang Naga City kahapon mula mismo sa Pangulo ng bansa.

Labis ang kagalakang naramdaman ni Mayor  Nelson Legacion dahil sa pagiging magandang halimbawang progresibong lungsod sa Bicol Region ayon kay  Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa pagbisita nito at sa pangunguna sa Ceremonial Groundbreaking ng “Legacy Residences Development Project” sa lungsod.

Naging highlight sa mensahe ng Pangulo ang mga katagang “very progressive dito sa Naga, imbis na ako’y manghikayat, ipapakita natin sa ibang LGU, kung papaano ang isang paraan para maging matagumpay at maayos ang proyekto ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project.”

Malapit sa lugar ang paaralan, ospital at iba pang nagpapatuloy na kontruksyon ng mga infrastructure project sa lungsod.

Base sa nakalatag na plano pitong condominium na may 12 o 24 floors ang maaaring maipatayo sa Barangay Balatas, at posibleng nasa 1,500 o 3,000 ang magiging benepisyaryo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *