Nagbabadyang taas-presyo ng LPG, dagdag pasain – Naga City Councilor

NAGA CITY –Dagdag pasanin na naman para sa mga nag nenegosyong kainan sa NAGA city tulad ng mga karenderya, restaurant maging sa mga home owners ang nagbabadyang taas presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG sa pangalawang quarter ng taon.

Ayon kay Assistant Director Rodela Romero ng Department of Energy – Bureau of Oil Industry Management, inaasahan ang pagtaas nito dahil sa pagtaas ng demand sa India, mangangailangan ng maraming supply.

Matatandaang tumaas ito ngayong buwan sa P11.18-P11.20 kada kilo at P5.50-P6.25 naman sa Auto-LPG depende pa sa brand dahil sa mataas ang demand ngayon sa China, kung saan ramdam na ramdam lalo na ng mga kainan, ang isang LPG kasi na mahigit P 1,000.00 ang presyo sa lungsod ay inaabot na lamang ng isang linggong gamitan.

Sa panayam kay City Councilor, Joe Perez, Chairman ng Committee on Investment, Trade, Industry and Economic Enterprises, posibleng may adjustment rin sa presyoh sa mga pagkain o kaya naman sa paraan ng kanilang paghain na posibleng lumiit o mabawasan ang mga ginagamit na ingredients.

Kaya naging paki-usap na ng Konsehal na maging responsable sa adjustment ng presyohan ang mga negosyong kainan sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *