Nagbabantang anak, nataga-patay ng sariling ama sa  Camarines Sur

NAGA CITY- Nauwi sa pananaga-patay ang diskusyon ng anak at sarili nitong ama sa Goa, Camarines Sur.

Sa police report ng PNP Goa, nakasaad na alas-11 Sabado ng gabi sa Barangay Maysalay  nang magkadiskusyon ang biktimang si Wilson , 28-anyos at 55-anyos na amang si William Alemania.

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Rodolfo Borromeo, hepe ng Goa Municipal Police Station na dati pa man ay mayroon nang hindi pagkakaunawaan ang mag-ama, minura pa ang magulang, sa katunayan nagbukod ng tirahan sa anak dahil sa pagwawala.

Nagtamo ng tama sa dibdib ang 28-anyos na si Wilson dahilan ng kaniyang pagkamatay. Sumuko sa himpilan ng pulisya ang Tatay at mahaharap sa kasong parricide.

Ayon naman sa suspek na si William, ikinalulungkot niya ang pangyayari pero naganap na ang bagay na hindi nya rin inaasahan lalo’t narinig ng ama ang mga katagang “Mga H**** kamo,  Pag gurang nindo gagaradanon ta kamo.”

Panawagan ng PNP Goa pag-usapan ang mga problema sa tahanan upang hindi mauwi sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.