CAMARINES SUR- Huli sa entrapment operation ang lalaking nag bantang magpapakalat ng maselang larawan ng kasintahan ng biktima.
Sa ulat ng Iriga City Police Station bandang alas 9:00 ng umaga, Mayo 18, 2023, sa Brgy. San Agustin, Iriga City, matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng PNP Iriga si alyas “Cris”, 23 taong gulang, binata at residente ng Brgy. Sagrada, Baao, Camarines Sur sa Robbery Extortion in Relation to RA 10175 o Cyber Crime Prevention Act of 2002.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLTCOL Ralph Jason Oida , sinabi nitong nag-paayos ng cellphone ang biktima pero laging gulat nito na may nagbanta sa kaniya na ipapakalat ang larawan ng girlfriend ng biktima na nasa cellphone kung hindi magbibigay ng hinihinging pera.
Hindi makumpirma ng biktima kung ang suspek ang siya mismong nag-ayos.
Nag-paalala naman ang PNP ukol sa pagtatago ng mga private na videos at photos.