Naglalakad na lalaki, na- hit and run

Ospital ang bagsak ng isang 38 anyos na si Rolando Bersales matapos na ma- hit and run sa Barangay Oring- Oring Brookes Point nitong nakalipas na Martes, ika- 11 ng Oktubre 2022.

Ayon sa kapatid nito na si Romeo Bersales, hindi pa rin maganda ang lagay sa Ospital ng kanyang nakatatandang kapatid dahil sa pinsalang tinamo matapos ang insidente.

Naglalakad lamang ito ngunit bandang alas-kwatro ng madaling araw kamakalawa ay nabangga ito ng hinihinalang van.

Hindi hinintuan ang biktima kaya nananawagan ito sa nakabangga na makipagtulungan ngayon sa pamilya.

Nanawagan din ang pamilya ni Rolando ng tulong- pinansyal para sa gastusin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *