Nagnakaw ng kalabaw, tiklo ng may-ari

Nasa kamay na ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal na nagnakaw ng kalabaw sa Brgy San Vicente, Castilla, Sorsogon.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Isagani Pesonila Bien, 42-anyos, may kinakasama, naninirahan sa Brgy San Vicente at Dominador Atos Camacho, 42-anyos, may asawa at residente ng Brgy Maracabac ng parehong bayan.

Batay sa ulat ng Castilla PNP, naaktuhan umano ang dalawang suspek na kinukuha ang kalabaw na walang pahintulot sa may-ari.

Ang dalawang suspek ay itinurn-over ng isang Kagawad ng barangay, tagapag-alaga at may-ari ng kalabaw.

Narekober sa posesyon ng mga suspek ang kalabaw.

Mahaharap ang mga ito sa paglabag sa PD 533 o Anti-Cattle Rustling Law.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *