Magsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang Philippine National Police hinggil sa nagpakilalang suspek na nag hagis ng molotov sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ayon sa mga otoridad, hindi nagtutugma ang mga pahayag ng suspek kaya hindi pa makokonsederang suspek ito.
Sabi ng PNP director for aviation security group na posibleng poll guy lang ang lalaki para malihis ang imbestigasyon.
Nagsasagawa na ngayon ng backtracking sa mga kuha ng CCTV para matukoy ang naghagis ng molotov sa nasabing palapiran.
Nitong Lunes sinabi ng Manila International Airport Authority na may tatlong persons of interest ng tinututukan ang PNP aviation security group.