Nagpakilalang testigo na umano’y may nalalaman sa pagpatay kay Gov. Degamo, lumutang sa NBI

Lumutang sa National Bureau of Investigation ang nagpakilalang tetstigo na umano’y may nalalaman sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Nagpakilala itong si Marlon Quibod na tubong Negros Occidental.

Base sa  sinumpaang salaysay Quibod, nakilala niya noong October 2022 si Arnel Libradilla na dating miyembro ng NPA. Si Libradilla ay isa sa suspek sa pagpatay kay Degamo na napaatay din sa operasyon ng mga awtoridad.

Nagkita aniya sila ni Libradilla sa isang sabungan at inaya siyang sumama sa isang operasyon nan inorganisa ng isang alyas “Brownie.”

Nag video call pa aniya si Libradilla at alyas Brownie para pag-usapan ang pagpatay kay Degamo pero sa takot tumanggi siyang sumama sa operasyon.

Makalipas na lamang ang ilang lingo,  nalaman niya ang balitang pagpatay sa Gobernador at nakita niya sa telebisyon si alyas brownie na isa palang “Mayor Fritz,”

Patuloy ang gagawing pagtatanong kay Libradilla na makakatulong sa mga awtoridad sa pagpapatibay ng kaso laban sa mga suspek na pumatay sa gobernador.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *