Nagpanggap na NBI agent, kalabuso ng CIDG Palawan

Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group- Palawan ang isang nagpakilala umanong ahente ng National Bureau of Investigation sa opisina ng CIDG, Camp Higinio Mendoza Sr, Brgy Tiniguiban , Puerto Princesa City.

Ang inaresto ay si RENATO MALINDOG y TUAZON, 59 anyos , Real Estate Broker , mula sa Bulacan.

Ayon sa CIDG Palawan, inaresto nila si Renato nitong Sabado, May 28, 2022 dahil sa pagpapanggap nitong active NBI Agent at arogante pa umano nitong kinausap ang dalawang tauhan ng CIDG.

Nakumpirma din ng CIDG sa NBI Palawan na hindi konektado sa Bureau ang suspek kaya agad nitong inaresto.

Nais umano ni Renato na dalhin sa korte ng mga tauhan ang mga naaresto ng CIDG para makapag-piyansa sa kinakaharap na kasong estafa.

Kinumpiska sa suspek ang isang Expired na NBI  Identification Card at NBI Badge.

Samantala, nahaharap ngayon ang suspek sa Usurpation of Authority at Unjust Vexation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *