Nahuling hacker ng ilang government websites, na-hack din umano ang datos ng sikat na medical aesthetic clinic sa bansa

Inamin ng data security officer ng Manila Bulletin na si alyas “Kangkong” na na-hack niya ang website at system ng Belo Medical Group.

Aniya, nallikom niya ang mga pangalan ng mga kliyente mula 2015 hanggang 2023, kabilang ang mga celebrity at iba pang personalidad.

Bukod sa listahan ng kliyente, nakuha rin ang kanilang mga address, edad, contact number, bank account, kaarawan, pagbabayad, credit card/bank account number, at email address.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Belo Medical Group at sinabing susuporta at makikipagtulungan sila sa mga pagsisiyasat sa mga paglabag sa data.

Binigyang-diin ng kumpanya na ganap silang sumusunod sa mga patakaran sa data privacy, at nilalayon nilang palakasin ang seguridad at proteksyon ng mga datos ng kanilang kliyente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *