Naitalang kaso ng ASF sa South Cotabato, incursion case lamang ayon sa PVet

KORONADAL CITY- NILINAW ni South Cotabato Provincial Veterinary Officer Dr. Flora Bigot na incursion cases lamang ang mga kaso ng African Swine Fever o ASF na naitala sa buong lalawigan.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Bigot, sinabi nito na itinuturing na icursion ang kaso kung hindi lumagpas sa 40-araw ang pananatili ng sakit sa isang lugar at walang naitalang mga bagong kaso.

Sa ngayon, pinasiguro ni Bigot na nagpapatuloy ang kanilang surviellance at blood collection mula sa mga barangay na nakapagtala ng annex cases o incursion cases ng ASF.

Umaasa naman ang opisyal na hindi na madadagdagan pa ang bilang ng mga baboy na isinailalim sa culling dahil sa ASF.

Leave a Reply

Your email address will not be published.