Nakainum na rider, naaksidente sa check point sa Naga City

NAGA CITY- Sugatan ang rider ng motorsiklo matapos na maaksidente sa check point sa boundary ng Naga at Milaor Camarines Sur.

Sa ulat ng Naga City Police Office nangyari ito bandang alas 8:45 ng gabi nitong Huwebes , Hunyo 27 sa Maharlika Highway. Habang nasa gitna ng pagmanage ng trapiko sa check point ang isang pulis, bigla na lamang itong nasagi ng motorsiklong dala ng 39-anyos na rider na residente ng Minalabac, Camarines Sur.

Nagresulta ito sa pagkakatumba ng motor at pagkakasugat ng driver pati ng back rider nito. Doon na nalaman na nakainum ang naka motor. Linapatan naman ito ng lunas. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kaya kay PLTCOL. Chester Pomar, tagapagsalita ng NCPO, nagmamadali at nagtangka umiwas sa One Time Big Time (OTBT) dahil alam nito na masisita siya sa check point.

Paalala ni Pomar, sumunod sa batas trapiko at ingatan ang sarili kapag nagmamaneho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *