Nakakaalarmang pagtaas ng mga insidente ng pagpapatiwakal sa lalawigan, patuloy na tinutugunan- Sang. Panlalawigan

Sa harap ng nakakaalarmang pagtaas ng mga insidente ng suicide sa lalawigan, kinumpirma ni Board Member Maria “Nini” Ravanilla na nagkundukta na sila ng Committee Hearing kaugnay ng nasabing usapin.

Katunayan aniya ay kanila nang pinatawag ang Kasurog, ang ahensya sa ilalim ng Gender and Development Program upang mas mapahusay pa ang mga programa para sa mga kababaihan, kabataan, gayundin ng mga miyembro ng LGBTQ.

Natalakay at pinag-usapan na din ang mga hakbang na maaaring gawin upang matulungan ang mga kabataan na siyang kadalasang nagiging biktima ng pagpapatiwakal.

Isa umano sa mga plano ay ang paglalagay ng Provincial Health Office (PHO) Sorsogon ng school-based teen center gayundin ng hospital-based teen center na tutulong sa mga kabataan lalo pa at hindi pa umano mature ang kaisipan ng mga ito upang hawakan ng maayos ang kanilang mga emosyon maging depresyon.  

Mababatid na batay sa datos ng Sorsogon Provincial Health Office 5, limang insidente ng suicide ang naitala ng lalawigan mula taong 2020 hanggang 2022, hindi pa kasama dito ang dalawa pang kaparehong kaso na nangyari naman sa bayan ng Casiguran  ngayong taon lamang.     

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *