Nakamamatay na infection mula Japan – nakapasok ng bansa

Nakapagtala na rin ang bansa ng mga kaso ng streptococcal toxic shock syndrome (STSS).

Ito ay nakamamatay na bacterial infection na kasalukuyang naitatala sa Japan.

Ayon kay infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante, ang STSS ay common bacteria na nagdudulot ng pharyngitis o yung inflammation ng pharynx.

Kasabay nito, posible rin aniyang magresulta sa rare at severe complication ang bacteria kapag kumalat na ito sa bloodstream.

Dagdag pa ni Solante, ang impeksyong ito ay nagmumula sa balat.

Sa sugat daw kasi ng isang tao, posibleng pumasok ang mikrobyo papunta sa dugo.

Mabilis aniya ang pagkalat nito sa katawan ng tao, at madadamay rin ang puso, atay, at baga.

Batay sa clinical experience, may na-detect nang STSS cases sa Pilipinas.

Sa Japan, umakyat na bilang ng mga kaso ng sakit sa 900 hanggang 1,000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *