Nakapagrehistro na sa Comelec Legazpi pumalo na sa mahigit sa 121k

LEGAZPI CITY – “Dumodoble at humahaba na ang pilahan sa Commission on Election (COMELEC) Legazpi araw araw”, ito ang inihayag ni Atty Michael Angelo Laurio, Officer-in-charge ng nasabing opisina sa Brigada News Fm Legazpi.

Ayon kay Laurio, ilan sa mga Barangay sa lungsod ay humahakot na ng mga botante upang makahabol sa pagpaparehistro sa Comelec.

Aniya, umakyat na sa 160 katao ang naitatalang nagpaparehistro araw-araw habang sa nagpapatuloy na satellite registration sa mga malls ay mahigit sa 100 katao.

Kung mapapansin din umano, mas marami ang nagpapalista ang nasa edad 18 anyos habang marami rin ang nagpatransfer.

Base sa record ng ERB noong July 19 2021., umaabot na sa 121, 934  ang nakapagrehistro sa comelec legazpi.

Dagdag pa nito, ang nasabing bilang ay maari pang mabawasan dahil sa patuloy na validation ng mga namatay na at nagkaroon ng double registrants.

Sa ngayon pinakamaraming nagparehistro sa comelec legazpi ang mga kababaihan na umabot sa 63, 421 at mahigit sa 57K ang mga lalaki habang sa persons with disability (PWDs) na babae ay umabot lamang ito na 228 at 120 sa lalaki.

Umaabot na rin sa 402 ng kanilang na reactivate sa comelec legazpi kung saan mayroon pang natitirang nasa 40K ang erereactivate ngunit may mga dahilan rin kung bakit hindi pa nakakapag reactivate ang mga ito ay dahil sa namatay o naglipat sa ibang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *