Nakolektang environmental samples mula sa 3 barangay ng bayan ng Sta. Elena nagnegatibo sa ASF laboratory result

CAMARINES NORTE- Negatibo sa ASF laboratory Result ang nakolektang environmental samples for African Swine Fever mula sa mga barangay ng Patag Ilaya, Patag Ibaba at maulawin ng bayan ng Sta. Elena

Ito ang mga lugar naipinadala noong April 15 para suriin sa Regional Animal Disease and Diagnostic Laboratory.

Payo ng Dept of Agriculture sa LGU Sta. Elena, ang mga lugar na nagnegatibo sa environmental sampling ay maaari ng isailalim sa 2nd screening test susog sa ipinapatupad na Administrative Order No. 6 s. 2021 o guidelines on the implementation recovery rehabilitation and repopulation assistance program for ASF affected and non-affected areas

Kung matatandaan, Inuna ang naturang bayan sa isinagawang environmental sampling bilang syang unang nakapagtala ng kaso ng ASF sa lalawigan habang Sunod na kukunan ng samples ang bayan ng Labo at Jose Panganiban gayundin ang mga bayan sa 2nd District na nagpositibo sa ASF

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *