Nalalapit na pagbubukas ng negosyo sa BIA makakatulong sa pagbibigay serbisyo sa transportasyon at Hotel

LEGAZPI CITY – Muling nabuhayan ang turista matapos ang dalawang taon pandemya sa bansa kung saan marami umanong restrictions na ipinatutupad.

Ayon kay Alkalde ng Legazpi Noel Rosal, makakatulong sa pagbibigay serbisyo sa transportation at hotel kung makakapagbukas ng negosyo sa Bicol International Airport (BIA). Aniya, hindi lang ang Albay ang makikinabang nito maging ang karatig na bayan o lalawigan ay mabubuhayan ang turismo.

Sa oras umano na magbukas ang mga negosyo matutugunan na ang mga pangangailangan ng mga manlalakbay na darating sa Bicol, tulad ng mga serbisyo sa transportasyon, hotel, at mga restawrans.

Pinuri rin nito ang mga lokal na pinuno para sa pinagsama-samang pagsisikap na nagresulta sa pagtatayo ng ilang mga network ng kalsada na ngayon ay nagbibigay ng madaling access papunta at mula sa internasyonal na paliparan.

Kung wala ang mga mega highway na ito, magiging napakahirap na ma-access ang airport sa bayan ng Daraga.

Sinabi ng opisyal, kapag nakumpleto at operasyon ang BIA magiging pangunahing gateway sa Bicol ng mga international visitor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *