Namayapang pastor hindi matanggap ng pamilya at mga tagasunod, 2 taon ang inabot bago ito mailibing

DALAWANG TAON ang inabot bago tuluyang mailibing ang labi ng isang namayapang pastor na si Siva Moodley ng The Miracle Centre sa Gauteng, Johnnesburg sa pag-asa ng pamilya at mga taga-sunod na muling babangon ito mula sa kamatayan.

Taong 2021 pa ng namatay si Moodley nang dahil sa kanyang sakit, ngunit ngayong taon lamang siya nailibing , matindi kase ang naging paniniwala ng mga taong kumikilala sa kanya na siya ay muling magbabalik.

Wala pa nga sana balak ang pamilya ni Moodley na ilibing ito, subalit ang morge ay nakipag ugnayan na sa korte at nag sampa na ng kaso laban sakanila, kaya napagpasiyahan na magkaroon na ng mandatory burial si Moodley.

Nangyare ang libing ni Moodley nito lang March 16 sa Westpark Cemetery sa Johannesburg kung saan dinaluhan naman ito ng ilan niyang mga kaanak, maliban sa mismong asawa at mga anak nito. ###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *