NAMFREL sa COMELEC, kumuha ng mga IT experts para tumingin sa data hacking incident

Nanawagan ang grupong National Movement for Free Elections (NAMFREL) sa Commission on Elections na mariing imbestigahan ang napaulat na hacking sa data system nito.

Sa isang pahayag sinabi ng NAMFREL na dapat agad na masiyasat at maresolba ng Comelec ang naturang isyu.

Pinayuhan din ng grupo ang Comelec na kumunsulta sa mga IT experts sa pag-iimbestiga at pagresolba sa insidente.

Maliban dito iminungkahi din ng poll watchdog sa Comelec na bumuo ng incident response team (IRT) na siyang babalangkas sa proactive incident response plan, at magsasagawa ng vulnerability assessment sa mga technology infrastructure, at information security practices.

Ito din umano ang tutugon kapag may mga information security incidents at kahalintulad na pangyayari.

Nabatid na batay sa artikulo ng Manila Bulletin, napasok umano ng mga hacker ang server ng COMELEC at nakuha ang mahahalagang data sa system nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *