Nanay bing’s kitchen sa Botolan ni Cong. Maniquiz, nagbibigay ng libreng pagkain

Nagbibigay ng libreng pagkain ang isang maliit na kusina sa gilid ng municipal hall ng Botolan, Zambales,  ito ay ang Nanay Bing’s Mini Kitchen.

Ayon kay 2nd District Cong. Bing Maniquiz, para sa mga humihingi sana ng tulong sa Action Center sa munispyo ang pagkain sa kitchen ngunit napansin nito na kahit ang mga dumadaan lang ay pumipila na rin kaya binuksan na ito para sa lahat kahit di residente ng bayan.

Nag-umpisa aniya ang mini kitchen na binuksan noong July 1 para sa humihingi ng tulong sa munisipyo na pumipila kada araw.

Ang mga makakain naman umano sa mini kitchen ay arozcaldo, sopas at goto.//Russell Banawa-BNFM IBA

Leave a Reply

Your email address will not be published.