NAGA CITY- “Walang kasiguraduhan ang buhay, buti na lamang hindi pinabayaan ng Panginoon” ito ang sinabi ng isang ina na nakaranas at nakaligras sa eclampsia noong ipanganak ang kaniyang panganay.
Salaysay sa Brigada News FM Naga ng isa sa mga dumalo sa “Barangay End Stunting Symposium” na si Sandria Frias, 25-anyos, nag-agaw buhay siya noong manganak, 4 araw bago niya nakita ang baby dahil sa kaniyang lagay, inabot sila ng isang buwan sa ospital hanggang sa maka recover ng husto.
Ito ay isa lamang sa mga sitwasyon na nais na maiwasan ng Barangay Health Center sa Panicuason Naga.
Ayon sa midwife na si Ma. Isabel Agsangre ang eclampsia ay seryosong kondisyon ng mga buntis dahil mataas ang blood pressure na maaaring maging sanhi ng pagkasawi ng ina at ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Kaya naman regular ang monitoring nila sa mga buntis.
Sa layuning makapaghatid ng kaalaman sa mga buntis ginawa ang “Barangay End Stunting Symposium and distribution of Mama Kits.”
30 na mga ina ang naging benepisyaryo ng Mom’s Love Capsule ng Brigada , nabigyan din ng maternity kits , may pagkain at natuto rin sa talk ng Nutrition Scholar sa nararapat na lifestyle ng nabubuntis at nanganak na, sabi nga ng Mom’s Love ES1 Capsule, Aruga ng Ina, Kinabukasan niya.
