Nangyari sa SDO Camarines Sur “unacceptable” ayon sa DepEd Regional Director; panghuhusga sa buong organisasyon sa lalawigan pinaiiwasan

NAGA CITY- Unacceptable ang nangyari sa Schools Division Office ng Camarines Sur matapos na kunin sa mga atleta ang cash allowance na ibinigay ng Provincial Government pero hindi naman aniya ito magdidiin sa pagbaba ng kridibilidad ng buong organisasyon sa probinsya ng Camarines Sur.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni DepEd Regional Director Gilbert Sadsad. Aniya una pa lamang hindi magandang kunin sa kamay ng mga atleta at coaches ang cash, sa kanila ibinigay at sila ang pumirma.

Ayon kay Sadsad nakausap niya si SDS Loida Nidea at inaku na pang-meal allowance nga ang nais sana nila rito para sa concentration, kinapos na kasi ng panahon sa bidding.

Pagbibigay diin ni Sadsad, nagkulang sa koordinasyon at komunikasyon ang DepEd Camarines Sur. May budget ang DepEd sa palaro pero wala aniya sa concentration o training kaya lumapit sa school board, inaasahan na nila na manggagaling na ito sa munisipyo o sa probinsya na may atleta. Kung direkta aniya itong ibinigay sa mga manlalaro, hindi na dapat pang kunin ng DepEd lalo na’t hindi ito ang sinabi ng Provincial Government na sistema.

Sa huli sinabi ni Sadsad na maganda ang intensyon ng mga DepEd Officials sa Camarines Sur sa pagtitiyak na maayos at masustansya ang pagkain ng mga manlalaro pero hindi naging maganda ang paraan. Naniniwala ang Regional Director na walang anomaliya sa pangyayari, nananatili aniya ang kridibilidad ng mga ito hindi lamang nagkaroon ng maayos na pagpapaliwanag at sistema.

Sang-ayon si Sadsad na ibalik na ang pera na siya namang sinusunod na ng SDO CamSur. Sana aniya ay huwag na itong maulit pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *