Napabayaang siga ng basura, hinihinalang sanhi ng sunog na tumupok sa babuyan at isang bahay sa bayan ng Barcelona

Pauusukan lang sana ng may-ari ng babuyan ang kural ng kanyang mga baboy, kung kaya’t nagsiga ito ng basura.

Subalit dahil hindi binantayan ay lumaki ang apoy hanggang sa madilaan ng apoy ang bubungan ng kural na kumalat naman sa kabilang bahay na gawa sa light materials.

Sa pahayag sa Brigada News ng BFP Barcelona, humigit-kumulang P50K ang inabot na danyos ng nasunog na kusina ng pamilya ni Antonia Evasco habang 11 baboy naman ang kasama sa danyos na pag-aari ni Julieta Fontelar.

Wala umanong tao sa bahay ng mga Evasco kung kaya’t walang umapula sa apoy.

Ang mga nalitsong baboy naman ay kinain at naibenta pa umano ng may-ari.

Nangyari ang sunog alas 7 ng gabi noong Marso 13 sa Brgy Luneta ng nasabing bayan.

Ito na ang pangalawang sunog na naitala sa buwan ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *