Napapaulat na Covid-19 positive na mga bakunado, normal lang – PHO Sorsogon

SORSOGON CITY – ‘’Normal lamang na karamihan sa mga tinatamaan ng Covid-19  ay mga indibidwal na fully vaccinated na dahil mataas na ang bilang ng mga nabakunahan sa lalawigan.’’

Ito ang paliwanag ng pinuno ng Provincial Health Office na si Dr. Renato Bolo Jr. matapos na makapanayam ng Brigada News FM.

Ang pahayag ay bunsod ng pagkuwestyon ng iilan kung bakit halos karamihan ng mga tinatamaan at nagpopositibo sa nasabing sakit ay mga bakunado na.

Aniya pa, dapat umano na maunawaan ng publiko na kung ang mga bakunadong indibidwal nga ay hindi pa rin ligtas na mahawaan ng Covid-19, paano na ang hindi pa bakunado?

Dagdag pa ng opisyal, base umano sa kanilang obserbasyon, karamihan sa mga bakunadong nahawaan ng nasabing sakit ay hindi malubha ang nagiging epekto, ‘mild’ o asymptomatic lamang ang nararanasan ng mga ito.

Umano’y, ito ang dahilan kung bakit patuloy nilang hinihikayat ang mga hindi pa bakunado na magpabakuna na, gayundin sa mga nabigyan ng first dose na magpaturok pa rin ng kanilang second dose at pagkatapos ng tatlong buwan ay ang kanilang booster dose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *